^

Punto Mo

Non-compete clause, puwede ba sa rank and file?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May job offer po sa akin pero nagdadalawang-isip po ako tang­­gapin dahil may non-compete clause po ang aking kontrata kahit na rank and file lang naman ang posisyong iniaalok sa akin.

Puwede po ba sa batas ang non-compete clause kahit sa rank and file na empleyado lang at puwede po ba akong habulin ng kompanya kapag lumipat na po ako ng ibang trabaho? — Diane

Dear Diane,

Hindi ipinagbabawal ang non-compete clause sa ilalim ng ating batas at hindi rin ito ipinagbabawal sa mga employment contract ng mga rank and file na empleyado.

Nakasaad naman sa ating Civil Code na malaya ang mga pumapasok sa isang kontrata na magtakda ng kahit anong terms o kondisyon na gusto nila, basta hindi ito labag sa batas, salungat sa moralidad at sa mga mabuting nakagawian ng ating lipunan, o taliwas sa public order at public policy.

Ibig sabihin, kailangang sundin ng mga partido sa isang kontrata ang mga probisyon na nilalaman nito, kabilang na ang mga tinatawag na non-compete clause sa mga employment contract, dahil naging malaya naman sila na tanggapin o tanggihan ang mga ito bago sila pumasok at pumirma sa kasunduan.

Maari lamang madeklarang walang bisa ang isang non-compete clause kung hindi malinaw ang saklaw nito.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Tiu v. Platinum Plans Phils. Inc. (G.R. No. 163512, 28 February 2007), hindi ipinagbabawal ang mga non-compete clause basta malinaw kung gaano katagal ang pagbabawal sa empleyado, kung para sa anong industriya ito, at kung para lamang ba ito sa isang partikular na lugar.Dapat rin ay hindi labis ang itatagal ng nasabing pagbabawal

Ngunit kung malinaw naman ang pagbabawal na nakasaad sa non-compete clause at makatuwiran naman ang tagal nito, may obligasyon ang empleyado na sundin ito dahil malaya naman siyang pumayag sa nasabing kondisyon nang pinirmahan niya ang kanyang employment contract.

Kaya kung tatanggapin mo ang sinasabi mong offer ay kailangang tanggapin mo na rin ang posibilidad na maari kang habulin ng employer mo dahil sa non-compete clause na nakalagay sa iyong employment contract. Kung sakali ngang mangyari iyan ay ang husgado lamang ang makakapagpasya kung rasonable ba ang non-compete clause na ipinataw sa iyo ng kontrata at kung may bisa ba ito.

CONTRACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with