^

Punto Mo

Mga ‘real talk’ na dapat mong malaman

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Kung nalulungkot ka at wala sa mood, mag-exercise ka. You’ll feel 100 times better.

Kung naghihintay ka ng kapalit matapos mong gawan ng kabutihan ang isang tao, nagkakamali ka sa iyong paniwala na mabait ka.

Kapag ipinagupit ng isang babae ang kanyang mahabang buhok, mas malaki ang tsansa na siya ay nabigo sa pag-ibig kaysa gustong magbago ng hitsura. Isang akto iyon ng ‘paglaban’ sa lalaking nananakit ng kanyang damdamin. Gusto kasi ng mga lalaki ay mahabang buhok. Ang pagpapagupit ng buhok ay simbolo rin ng ‘pagputol’ niya ng anumang bagay na may kina­laman sa kanyang ex-boyfriend.

Ang pagkakaroon ng panaginip habang natutulog ay isang paraan ng utak upang makalimutan ang masasakit nating karanasan.

Kung hindi mo pa nararanasan, subukan mong magpakagutom. Nakakatulong din ito para maging maawain ka sa mga mahihirap.

Minsan ay i-analyze mo ang nararamdamang inggit sa isang tao. ‘Yung inggit na may kasamang inis. Matutuklasan mong marami ka pang hindi alam tungkol sa iyong sarili.

Magiging interesadong makinig ang iyong kausap na babae kung pupurihin mo ang kanyang abilidad at kakayahan kaysa kanyang physical appearance.

Huwag isipin ang sasabihin ng ibang tao sa iyo. Tandaan mo, ang mga ibon ay umaawit nang hindi iniisip kung sino ang makakarinig sa kanila. Ang importante, masaya sila sa kani­lang ginagawa.

Laging magpasalamat. Itulad mo sa pagsusuot ng damit ang ugaling pagpapasalamat. Naka­hihiyang mabuhay na ikaw lang ang hubo’t hubad.

 

 

MOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with