^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PARENG Tonyo, hindi ko yata nakikita ang lighter mo?” tanong ni Avelino kay Itay. Nasa gitna na sila ng pag-iinuman.

Hindi agad nakasagot si Itay. Nagulat sa tanong ng kumpare.

“Ha? A e huwag kang magagalit Pareng Avelino…”

“Bakit Pare?”

“Naiwala ko ang lighter na regalo nang tumawid ako ng ilog. Sumabit sa kahoy ang tali ng lighter at nahulog sa tubig. Tinangka kong habulin pero malalim na ang tubig. Tatangayin ako.”

Nakatitig at walang kurap si Avelino kay Itay. Hindi nagustuhan ang sinabi ni Itay.

“Sabi ko naman sa’yo ingatan mo. Mahal ang bili ko sa lighter na iyon dahil unang labas. Binili ko iyon nang bumaba kami sa Japan.”

“Iningatan ko naman Pare pero talagang sumabit sa kahoy na inaanod. Hindi ko pinabayaan ang lighter dahil alam kong mahal iyon.”

Hindi na nagsalita si Avelino.

Maya-maya ay nagpaalam na ito.

Hindi na inubos ang alak na iniinom nila ni Itay. Bumaba na ito sa hagdan at saka umalis.

“Pare!” tawag ni Itay.

Pero tuluy-tuloy sa paglalakad si Avelino na parang walang narinig.

Tangka pa sanang hahabulin ni Itay ang kaibigan pero pinigilan ni Inay.

“Huwag mo nang habulin! Bigyan mo ng respeto ang sarili mo. Nagpaliwanag ka na sa kanya at tama na yun!” (Itutuloy)

LIGHTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with