^

Punto Mo

Flocerfida (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

 “ANTING? May ­anting ang father mo?” tanong ni Kikoy sa anak ni Florenz na hindi pa niya naitatanong kung ano ang pangalan.

“Sabi po niya nun meron siyang anting na galing sa ulikbangon. Hindi ko nga po alam kung ano ang ulikbangon, Sir Kikoy.”

“Narinig ko na rin yan. Kapag daw may mutya ng ulikbangon ay mahirap mamatay.”

“Ganun nga raw po Sir Kikoy. Si Papa nga po akala ko ay patay na pero ­buma­ngon uli.”

“Mahiwaga ang father mo…ano nga palang name mo?”

“Ericko po.”

“Ikaw yung nag-iimbento ng kung anu-anong juice ano?”

“Opo.”

“Sabi ni Papa mo, iniimbento mo raw ngayon e catmon juice. Masarap ba yun?”

“Opo. Ipatitikim ko po sa ‘yo ang catmon juice. Best seller ko po ngayon sa university.”

“Sige nga Ericko.”

Nagtungo si Ericko sa kitchen. Pagbalik ay dala ang isang bote na kasing laki ng softdrink at green ang laman.

“Eto po Sir Kikoy ang catmon juice.”

“Tikman ko nga.”

Binuksan ni Kikoy ang catmon juice. Ininom.

Hindi makapaniwala si Kikoy sa kakaibang sarap ng catmon juice. Napaka-refreshing.

“Ang sarap Ericko.”

“Mayaman po sa Vitamin C yan at anti-oxidant.”

“Masarap ang paghahalo ng asim at tamis.”

“Oo nga po, Sir Kikoy.”

(Itutuloy)

ANTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with