^

Punto Mo

‘Lighter’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPANSIN namin na mula nang mawala ang lighter ni Itay na regalo ng kanyang Pareng Avelino, ay lagi itong nag-iisip at balisa. Malaki ang aming paniwala na iniisip ni Itay kung paano ipaliliwanag sa kanyang kumpare ang pagkawala ng lighter.

Nakikita namin na pagdating niya galing sa pagtatrabaho sa bukid ay nakatulala ito na parang may napakalaking problema na pasan-pasan.

Lalo nang napansin namin ang pagkabalisa ni Itay nang malapit nang dumating mula sa pagtatrabaho sa barko ang kanyang kumpareng Avelino.

Tuwing ikaanim na buwan ang baba sa barko ng kanyang kaibigang si Avelino. Matagal nang magkaibigan ang dalawa—nasa elementary at high school pa sila. Hindi na nakapag-kolehiyo si Itay at ang pagbubukid na lamang ang inasikaso. Ang kanyang Pareng Avelino ay nakaabot ng hanggang second year sa seaman’s course.

Hanggang isang araw, dumating ang kumpare ni Itay na si Avelino sa bahay. May dalang pasalubong at alak.

Napansin namin si Itay na hindi malaman ang gagawin sa biglang pagdating ng kumpare.

(Itutuloy)

AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with