^

Punto Mo

Tagumpay ng mga taong hindi sumuko (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Abraham Lincoln

Noong bata pa si Abraham Lincoln, lumaki siya sa isang mahirap na pamilya sa Kentucky. Kadalasan, nag-aaral siya gamit lamang ang liwanag ng kandila at nagbabasa ng mga librong ipinapahiram lang sa kanya ng kapitbahay.

Maraming beses siyang nabigo: nalugi sa negosyo, natalo sa halalan, at nawalan pa ng mahal sa buhay.

Ngunit hindi siya sumuko. Pinili niyang bumangon sa bawat pagkatalo. Sa huli, naging ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos siya, at nakilala bilang pinuno na nagpatibay sa pagkakaisa ng bansa at nagpalaya sa mga alipin.

Franklin D. Roosevelt

Si Franklin D. Roosevelt ay tinamaan ng polio noong siya ay nasa edad 39. Dahil dito, hindi na siya muling nakalakad nang normal—madalas ay nakaupo siya sa wheelchair o kung tatayo ay may saklay.

Marami ang nagduda kung kaya pa niyang mamuno nang manalo siyang governor ng New York (1929-1932). Nang lumaon ay kumandidato naman para sa 32nd U.S. President (1933-1935). Masuwerte naman at kahit may kapansanan ay ipinakaloob sa kanya ng mga mamamayan ang kanilang boto.

Hindi siya nagpatalo sa kanyang kapansanan. Sa halip, ginamit niya ang kanyang tapang at pag-asa para akayin ang Amerika sa pinakamahirap na panahon: ang Great Depression at World War II.

Pinatunayan ni Roosevelt na ang tunay na lakas ng isang lider ay hindi nasusukat sa pisikal na katawan, kundi sa tibay ng loob at kakayahang magbigay ng pag-asa sa iba.

DIKLAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with