^

Punto Mo

Tagumpay ng mga taong hindi sumuko (Part 4)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Thomas Edison

Noong siya ay nasa unang baitang pa lamang, pinalayas siya ng kanyang mga guro sa paaralan at sinabi sa kanyang mga magulang na siya ay sobrang bobo at may kapansanan sa pag-iisip, kaya hindi siya karapat-dapat na makatanggap ng edukasyon.

Halos madurog ang puso ng ina sa balitang natanggap. Wala itong nagawa kundi turuan nang buong tiyaga ang batang pinagbintangang sobrang bobo.

Lumipas ang maraming taon, naging scientist si Thomas. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-eeksperimento sa garahe ng kanilang bahay. Sinubukan niya ang 10,000 iba’t ibang eksperimento bago siya nakahanap ng solusyon at naimbento ang unang bombilyang de-kuryente sa mundo.

Sa buong buhay niya, nagkaroon siya ng 1,093 na patent para sa kanyang mga imbensyon.

Albert Einstein

Nag-umpisang magsalita si Einstein noong siya ay apat na taong gulang na. Nag-alala ang kanyang mga magulang na baka siya ay may kaunting kakulangan sa pag-iisip.

Mahilig siyang magtanong kung paano gumagana ang mga bagay at gustung-gusto niyang lutasin ang mga palaisipan. Hindi niya gusto ang mahigpit at istriktong paraan ng pagtuturo sa paaralan. Madalas isipin ng mga guro na siya ay isang mahina at pasaway na estudyante.

Si Einstein ay kilala hindi lamang dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan sa agham kundi pati na rin sa kanyang payak na pamumuhay, sense of humor, at pagmamahal sa musika (tumutugtog siya ng biyolin).

Ngayon ay itinuturing siyang isa sa mga pinakadakilang siyentipiko sa kasaysayan na ang mga ginawang scientific studies ay nagpabago ng ating pananaw tungkol sa universe.

SUCCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with