^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 20)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Sa totoo lang Cora, naaawa ako sa’yo dahil sa ginawa ng taksil na lalaki. Pasensiya ka na pero hindi ka dapat niloko dahil nakita ko naman na tapat kang magmahal. Kahit kailan lang tayo nagkakilala, sure ako na tapat at wagas kang magmahal,’’ sabi ko.

“Salamat Ram.”

“Bihira akong magsalita, Cora pero mula nang malaman ko ang istorya ng pag-ibig mo, hindi ko naitago ang pagkagalit sa lalaki. Napakakapal ng mukha niya.”

Nakatingin lang sa akin si Cora. Walang kurap at tila ninanamnam ang sustansiya ng mga sinabi ko.

“Sana makakita ka ng lalaking magmamahal nang tapat sa’yo. Sana makatagpo ka ng lalaking hindi ka na lolokohin.”

“Sana nga, Ram.”

“Pero handa ka na bang magmahal kung sakali ay may lalaking maghandog ng pag-ibig sa iyo?”

“Nalilito pa ako Ram. Hindi pa ako nakakalampas sa krisis.”

“A okey. Sorry kung naitanong ko sa’yo yun.”

“Walang anuman.”

“Magpapaalam na ako, Cora.”

“Bumalik ka Ram. May sasabihin ako sa’yo sa pagbalik mo.”

“Oo Cora. Kailan mo ako gustong bumalik?”

“Kahit kailan.”

(Itutuloy)

SINGSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with