^

Punto Mo

Tagumpay ng mga taong hindi sumuko

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Marilyn Monroe

Noong 1944, sinabi ni Emmeline Snively, direktor ng Blue Book Modelling Agency, sa isang naghahangad maging modelo, na noon ay kilala pa sa kanyang tunay na pangalan na Norma Jean Baker:

“Mas mabuti pang mag-aral ka na lang ng secretarial o kaya nama’y mag-asawa ka na.”

Kalaunan, siya ay naging isa sa mga pinakatanyag na aktres ng dekada 1950 at hanggang ngayon ay itinuturing pa rin na isang malaking simbolo ng pop culture.

Elvis Presley

Noong 1954, pagkatapos ng pinakaunang performance ni Elvis, pinalayas siya ni Jimmy Denny, ang manager ng Grand Ole Opry.

Sinabi niya kay Presley: “Wala kang patutunguhan, hijo. Mas mabuti pang bumalik ka na lang sa pagmamaneho ng trak.”

Ngunit nang magtagal, ang lalaking ininsulto nang labis ay naging isa  sa pinakamahalagang icon ng ika-20 siglo at madalas na tinutukoy bilang “Hari ng Rock and Roll”.

The Beatles

Noong 1962, tinanggihan ng Decca Records ang The Beatles. Ang puna nila tungkol sa kakayahan ng banda: “Hindi namin gusto ang tunog nila at ang guitar music ay nawawala na sa uso.” Akalain ba nila na ang  Beatles ay magiging isa sa pinakaimpluwensiyang grupo sa panahon ng rock, na nakabenta ng higit 178 milyong album sa U.S. pa lamang.

ELVIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with