Flocerfida (122)
KINAGABIHAN, dinalaw nina Kikoy at Makoy ang burol ni Fidel sa Paco. Sa mismong bahay ito binurol. Yun daw ang huling habilin ni Fidel sa misis nito.
Habang nakatitig si Kikoy kay Fidel na nasa kabila ng kabaong ay umusal siya ng dalangin para rito: Sumalangit nawa ang kaluluwa mo, Fidel.
Umuusal din naman si Makoy ng dalangin para kay Fidel. Paalam Fidel. Hanggang sa muling pagkikita.
Mahigit isang oras ang inilagi nina Kikoy at Makoy sa burol ni Fidel. Nagpaalam na sila sa biyuda ni Fidel.
Nag-abot ng abuloy si Kikoy.
Nag-abot din si Makoy.
Lumabas na sila ng bahay. Naglakad patungo sa sakayan ng jeepney.
Wala silang imikan.
Maya-maya nagsalita si Makoy.
“Alam mo ang iniisip ko Kikoy?”
“Ano?”
“Kailan susunod si Florenz?”
“Mukhang malakas pa si Florenz. Palagay ko, matagal pa siya bago sumunod kay Fidel.”
“Hindi ka nakasisiguro, Kikoy. Malay mo bukas, si Florenz naman ang mamatay.
Natigilan si Kikoy.
“Palagay ko, malapit na rin si Florenz.”
“Paano mo nalaman, Mak.”
“Nararamdaman ko.”
Kinabahan si Kikoy.
(Itutuloy)
- Latest
















