Tagumpay ng mga taong hindi sumuko
Mary Kay Ash
Si Mary Kay Ash ay nagkaroon ng buhay na puno ng pagsubok bago niya naitatag ang kanyang kompanya ng cosmetics at naging isang multi-billion empire.
Nagbenta siya ng mga libro sa bawat bahay habang ang kanyang asawa ay naglilingkod bilang sundalo noong World War II. Ngunit nang makabalik ito mula sa serbisyo, sila ay naghiwalay. Iniwan si Ash na may tatlong anak sa panahong malakas pa ang stigma sa pagiging diborsiyada.
Muli siyang nagpakasal at nakaplano silang magtayo ng negosyo ng kanyang bagong asawa, subalit namatay ito isang buwan bago ang paglulunsad. Isang buwan ang nakalipas, sa edad na 45 at may puhunan na $5,000 mula sa kanyang panganay na anak, inilunsad ni Ash ang kanyang negosyo na Mary Kay Cosmetics.
Sa kasalukuyan, mayroon itong 300 milyong sales people na nagbebenta ng mahigit 200 produkto sa 35 bansa, at may taunang kita sa wholesale na lampas sa $3 bilyon.
Jack Andraka
Noong 15-anyos si Andraka, nagkaroon siya ng kakaibang ideya na gumawa ng diagnostic test para sa pancreatic cancer na mas magaling kaysa sa mga pagsusuri na nadebelop ng mga siyentipiko, research labs, at billion-dollar pharmaceutical companies.
Sumulat si Jack ng isang proposal na tinanggihan ng 199 research labs. Pero sa kabutihang palad, tinanggap siya ng ika-200 research lab — sa Johns Hopkins University sa Baltimore at doon niya nadebelop ang isang pancreatic cancer test na 100 beses na mas mahusay at 26,000 beses na mas mura kaysa sa kasalukuyang pagsusuri. Mula noon, nakapaglitas na ito ng libu-libong buhay.
(Itutuloy bukas)
- Latest















