^

Punto Mo

Ang pinakahuling bahay na itinayo ng karpintero

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG karpintero na may maraming taong karanasan ang handa nang magretiro. Ipinaalam niya sa kanyang kontratista ang kanyang plano na iwan na ang paggawa ng mga bahay upang magkaroon ng mas payapang buhay kasama ang kanyang asawa at pamilya.

Medyo nalungkot ang kontratista dahil ang kanyang mahusay at beteranong karpintero ay aalis na, ngunit hiniling niya rito na gumawa pa ng isang huling bahay para sa kanya.

Pumayag ang karpintero, bagama’t tinatamad na siya, hindi niya matanggihan ang amo. Palibhasa ay hindi buo ang kanyang kalooban sa huling bahay na ipinagagawa, gumamit siya ng mga mumurahing materyales at hindi niya masyadong ginamit ang dating galing sa pagbuo ng bahay kagaya ng dati.

Siyempre noon ay pakitang gilas pa siya pero ngayon ay magreretiro na siya at hindi na kailangang maggaling-galingan pa para magpa-impress. Hindi niya naiisip na ang ginagawa niya ay  isang malungkot na paraan upang tapusin ang kanyang propesyon. Nang matapos ang bahay ay dumating ang kanyang amo upang ito’y inspeksyunin.

Tiningnan ng amo ang paligid, at bago ito umalis ay iniabot nito ang susi ng pintuan sa karpintero. “Ito ang iyong bahay, na regalo ko sa iyo,” sabi ng amo.

Gulat na gulat ang karpintero. Kung tutuusin, dapat siyang matuwa sa magandang sorpresang iyon.  Pero sa halip, nakaramdam siya nang matinding hiya.

Kung nalaman lamang niya na para pala sa kanya ang bahay na ginagawa niya, ibinuhos sana niya nang buong husay ang pagbuo rito para maging maganda at matibay. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Ngayon, kailangan niyang manirahan sa isang bahay na mahina ang pagkakagawa at­ ­maaring magiba.

 

CARPENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with