^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 17)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“OO ipaghahanda kita ng kape, Ram,” sabi ni Cora na halatang masaya. “Pero teka, baka may magalit kung dadalawin mo ako. Baka dahil sa akin ay mayroong magalit.”

Wala, Cora. Sino naman ang magagalit. Basta dadalawin kita.”

“Salamat Ram.”

“Aalis na ako, Cora.”

“Ingat at thanks uli dahil sa ginawa mo sa singsing. Masayang-masaya ako.”

Nag-thumbs up ako saka umalis.

Alam ko na habang palayo ako ay nakatingin pa rin sa akin si Cora. Pero hindi na ako lumingon.

Basta masaya ako sa nararamdaman dahil natulungan ko si Cora na mawala sa paningin niya at sa buhay niya ang singsing na “simbolo” ng pagtataksil.

Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko malimutan ang ngiti ni Cora nang sabihin ko kanina na na-disposed ko na ang singsing. Para bang nabunutan siya ng mahabang tinik sa dibdib. Para bang biglang nagluwag ang kanyang pakiramdam.

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Dati 10:00 p.m. pa lamang ay tulog na ako pero pasado 11:00 na ay gising pa ako.

Iniisip ko si Cora.

Iniisip din kaya niya ako kaya hindi ako makatulog? (Itutuloy)

RING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with