^

Punto Mo

Talento ay ‘di sapat, kailangan din ang ­sipag

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG araw, nagkaroon ng pagtatalo ang pagong at ang kuneho kung sino ang mas mabilis. Nagpasya silang tapusin ang pagtatalo sa pamamagitan ng isang karera. Nagkasundo sila sa daraanang ruta at nagsimula ang paligsahan.

Mabilis na tumakbo ang kuneho. Naiimadyin niya na hingal na hingal marahil ang pagong habang tumatakbo nang mabagal.

Nang makita niyang malayo na siya sa pagong, naisip niyang maupo muna at magpa­hinga bago ipagpatuloy ang pagtakbo. Umupo siya sa ilalim ng puno at agad na nakatulog nang mahimbing.

Samantala, ang pagong ay buong tiyaga na naglakad nang dahan-dahan hanggang sa nalampasan niya ang kuneho na nadaanan niyang himbing na himbing sa pagkakatulog. Nang magising ang kuneho, napagtanto niyang natalo na siya.

Maraming tao ang magkakaroon ng konklusyon na “Ang mabagal ngunit tuluy-tuloy ang nananalo sa karera.” Ngunit kung titingnan nang malalim ang kuwento, sa palagay ko, ang tunay na aral ay hindi tungkol sa pagong, kundi tungkol sa kuneho.

Nagkamali nang malaki ang kuneho dahil naniwala siya sa sariling kakayahan ngunit hindi niya ito lubusang pinatunayan. Sa totoong buhay, maaari kang magkaroon ng “great talent”, ‘yung kakayahan na kinikilala ng lahat, ngunit kailangan mo pa ring ipakita at gamitin ang kakayahang iyon upang manalo sa kumpetisyon.

Moral lesson: Ang tagumpay ay nakasalalay sa paggamit ng iyong talento, hindi lang sa pagkakaroon nito.

 

TURTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with