Pretty policewoman, minanyak ng superior officer!
FLASH Report: Nangangatog ang tuhod sa takot ng isang pretty policewoman sa Metro Manila. Bakit? Ang umiikot na Marites sa Camp Crame, itong pretty policewoman ay minanyak ng kanyang senior officer. Ano ba ‘yan? Hindi naman kumpleto ang detalye ng mga kosa ko subalit hindi naman nagtagumpay ang manyakis na opisyal.
Kaya para mailayo ang sarili niya sa iskandalo, inilipat si pretty policewoman sa isang mobile force sa isang police district sa Metro. Gets n’yo mga kosa? Kaya naman takot na takot si pretty police?oman ay dahil pinagbantaan siya ni manyakis na opisyal na ‘wag magreklamo. Araguyyy! Saan ang hustisya?
Dapat paimbestigahan ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin ang kasong ito at patawan ng malupet na kaparusahan ang manyakis na opisyal. Hindi kasi makatutulong ang kaso sa pag-angat ng imahe ng PNP sa publiko, di ba PNP chief Gen. Nicolas Torre III?? Ang sakit sa bangs nito!
Samantala, naging makabago at disiplinado na ang kapulisan sa rehiyon sa liderato ni PRO11 director Brig. Gen. Joseph Arguelles. At dahil sa pinalakas at pinag-ibayong serbisyo laban sa krimi?alidad, nakuha ni Arguelles ang simpatiya at tiwala ng publiko.
Masasabing isang mahalagang tagumpay at pagbabago ang naitala sa PRO11, lalo na sa usaping anti-drug campaign, mabilis na pagtugon sa tawag ng publiko at modernisasyon ng kagamitan. Si Arguelles ay naupo sa puwesto noong Hunyo, pero sobrang dami na niyang nagawa sa maikling panahon. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Bitbit ang inspirasyon ng 3 Pillars ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III kaagad na isinabak ni Arguelles ang PRO11 sa mas mabilis, mas matatag, at mas maasahang serbisyo publiko. Isa sa pinakaumugong sa taynga ng publiko ay ang 5-minute response na hindi biro at sa loob lang ng limang minuto nandun na ang mga nagrespondeng pulis. Sanamagan!
At hindi lang ito salita sa hangin, dahil mismong si Arguelles ang nagbigay ng pangunahing suporta sa pamamagitan ng pagbili ng push-to-talk radios na nagpabilis ng komunikasyon sa ground. Kung dati-rati’y “traffic” pa sa tawagan, ngayon ay parang instant message na lang. Kanya-kanyang gimik lang yan!
Umarangkada rin ang anti-drug operations ni Arguelles kung saan nagtala ang PRO11 ng 539 operations na nagresulta sa pagdakip ng 609 katao at pagkumpiska ng 2,256 gramo ng shabu na angkakahalagang P31 milyon. Ang dami no mga kosa? Parang jackpot sa lotto!
Pero imbes na premyo, kaligtasan ng komunidad ang kapalit. Tumpak! Anong sey n’yo mga kosa? Hindi lang ‘yan, pinaigting din ni Arguelles ang laban kontra cybercrimes sa pamamagitan ng pagdagdag ng cyber patrollers na 24/7 na nagbabantay sa online activities.
Sabi nga ng mga kosa ko, “parang may CCTV na rin sa internet.” Mismooo! Dahil dito, mas protektado na ang publiko laban sa online scams, fake news at iba pang digital na banta. Hehehe! Walang kokontra ha?
Sa liderato ni Aguelles, hindi lamang pagpapatupad ng batas ang nasa isipan niya, kundi magsilbing kaagapay ang publiko sa pagtataguyod ng isang ligtas, disiplinado at maunlad na pamayanan. Sa kanyang kampanyang, “Aksiyon, Hindi Salita,” patuloy ang pagbabago at positibong trabaho na nararamdaman sa bawa’t sulok ng rehiyon. Abangan!
- Latest















