‘Singsing’ (Part 15)
ISANG umaga ng Sabado, wala akong pasok, naisipan kong dalawin si Cora sa bahay nito. Ibabalita ko ang kinahinatnan ng singsing na ipinagkatiwala niya sa akin. Ikukuwento ko ang mga nagawa mula sa perang pinagbentahan ng singsing.
Naisip ko, hindi naman siguro ako makagagambala kay Cora dahil siya mismo ang nagsabi na dalawin ko siya. Siguro, gusto ni Cora na mayroong makakuwentuhan. Hindi pa rin talaga malimutan ni Cora ang ginawang kataksilan ng dating nobyo. Ang masakit, kaibigan pa niya ang babae na nabuntis ng nobyo. Hindi talaga basta malilimutan ni Cora ang masamang karanasan sa pag-ibig. Kawawa naman si Cora. Kung may magagawa lamang akong paraan para ganap niyang malimutan ang ginawa ng taksil na boyfriend.
Pinuntahan ko si Cora. Tamang-tama ang dating ko sapagkat nagdidilig ng mga namumulaklak na halaman sa bakuran si Cora.
“Hi Ram! Mabuti naman at dinalaw mo ako. Akala ko, nalimutan mo na ako.”
“Hindi Cora.”
“Halika sa loob.”
Pumasok sila sa bahay.
“Anong gusto mo? Coffee ano?”
“Sige. Masarap kang magtimpla e.”
Tinungo ni Cora ang kusina at nagtimpla ng kape.
Maya-maya dala na nito ang umuusok na kape.
“Ano ang balita Ram?”
“Na-desposed ko na ang singsing at marami ang naki?abang.”
Hindi makapaniwala si Cora. (Itutuloy)
- Latest




















