^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 14)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BUMILI ako nang maraming hamburgers at drinks. Dinala ko sa mga palaboy at pulubi. Isa-isa kong inabutan ng hamburger at inumin. Nasa sampung pulubi ang nabigyan ko ng pagkain at inumin. Tuwang-tuwang nagpasalamat ang mga pulubi.

Kinabukasan, panibagong mga pulubi naman ang binigyan ko ng pagkain. Umorder ako sa isang restawran ng kanin, ulam at juice.

Tuwang-tuwa ang mga pulubi at nagpasalamat  sa akin.

Araw-araw ay ganun ang ginawa ko—bumibili ako ng pagkain at inumin at binibigay ko sa mga pulubi.

Hanggang sa maubos lahat ang perang napagbentahan ng singsing ni Cora. Maraming nabusog at napaligaya.

Maski ako ay nakadama ng kakaibang saya habang ibinibigay ang mga pagkain. Ganun pala ang nararamdaman ng nagbigay sa kapwa. Kahit hindi galing sa akin ang pera, damang-dama ko ang saya. Para bang nakagawa ako nang walang kapantay na paglilingkod sa mga kulang palad at mga nagugutom.

Bukod sa nakapagpaligaya ako ng mga pulubi, natulungan ko si Cora na mawala sa paningin niya ang singsing na nagmula sa taong taksil. (Itutuloy)

RING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with