^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 13)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Habang naglalakad ako pauwi, iniisip ko kung ano ang gagawin sa singsing na binigay sa akin ni Cora. Kailangang mai-disposed ko ang singsing habang maaga. Ayaw ko ring mag-ingat ng bagay na simbolo ng kataksilan. Hindi maganda na patagalin ko ang singsing ng taksil!

Pagdating sa bahay, pinag-isipan ko kung ano ang gagawin sa singsing.

Hanggang isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Ibibenta ko ang singsing sa isa kong kasamahan sa trabaho na isa ring alahera. Namimili siya ng mga alahas.

Kinabukasan, ipinakita ko sa aking kasamahang babae ang singsing. Sinuri.

“Saudi gold ito, Ram,” sabi ni Tet.

“Oo nga. Magkano yan, Tet?”

“Seven thou. Bakit mo binebenta?”

“Sa pinsan ko yan. Nagipit eh. Bayaran mo na.”

Binayaran ako.

Nang hawak ko na ang pera, inisip ko naman kung ano ang bibilhin sa P7,000 na pinagbentahan.

Habang naglalakad ako palabas sa opisina, napansin ko ang mga pulubi na nasa kanto.

Bibili ako ng pagkain, gamit ang P7,000 at saka ko ibibigay sa mga pulubi at palaboy.

Tinungo ko ang sikat na fastfood chain.

(Itutuloy)

SINGSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with