Project magicians, humanda kayo!
UMARANGKADA na naman ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa buong Pilipinas na pinamamahalaan ng DSWD bilang tulong sa mga biktima ng masidhing mga pagbaha. Another income generating program ng mga local officials na may bendisyon ng mga congressman. Panakip butas sa palpak na flood control programs.
Kahit si DSWD Secretary Rex Gatchalian ay nagpahiwatig na dapat ay ang mga tauhan ng DSWD ang pipili at sasala sa magiging benepisyaryo ng programa at hindi ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan. Bistado na kasi na maraming madyikerong mayor at barangay officials. Madyik na nga ang flood control program, malamang na may madyik pa rin sa ayuda. Mga walanghiya!
Naglabas na ng listahan ang Office of the President ng mga contractors na nakabahagi ng bilyones na halaga ng mga proyekto sa iba’t ibang probinsya na may kinalaman sa flood control rojects. Pumalag agad si Sen. Chiz Escudero sa mahigit P5 bilyon na nakorner ng campaign funder nitong si Lawrence Lubiano na owner ng Centerways Construction. Thirty million pesos diumano ang ibinigay nito kay Escudero noong 2022 election. ‘Yun lang? Owws!
Kung totoong nakakaparte ang sponsor ng 30 percent sa halaga ng proyekto, aba’y maliwanag na P1.5 bilyon ‘yan!. E paano kung ghost project pa ang iba tulad ng sinabi ni President Bongbong na raket lang ang karamihan ng proyekto? Tiba-tiba!
Kung ang naging budget sa flood control program na P1.3 trillion magmula noong 2022 -2025 ay hindi nailatag ng totoo, aba’y hindi nakapagtatakang maging bilyonaryo ang mga congressman at senador natin ngayon. Sige na nga, multimillionaires na lang muna. Ang kakapal ‘di ba?
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit walang kongresistang nagsusulong at umuugit ng batas ng hatol na “bitay” sa plunderers o ‘yung magnanakaw ng aabot sa P50 million sa kaban ng bayan. Kukulangin ang buong isang taon o 56 na Biyernes sa itinatakdang araw ng bitay. Mahiya naman kayo, sabi ‘yan ni Bongbong. He-he!
- Latest















