‘Singsing’ (Part 6)
Nakita ko napamaang sa pagkabigla ang babae nang ilabas ko ang singsing na nasa plastic case. Ganunman, nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag na napulot ko iyon sa kanal na di-kalayuan dito.
“Papasok ako sa trabaho nang makita ang isang bagay na nasa kanal at nang pulutin ko ay singsing pala. Nakita kong may pangalan ng babae ang singsing. Naghintay ako kung may maghahanap pero wala.
“Kinabukasan, naghintay uli ako sa may-ari nitong singsing pero walang dumating para maghanap. Ilang araw din akong pabalik-balik. Wala talaga. Hanggang sa may dalawang babae akong napagtanungan kung may kilala silang Cora. Meron daw at tinuro itong bahay mo. Inilagay ko sa plastic case ang singsing para hindi marumihan. Siguro nalaglag ito sa daliri mo na hindi mo namamalayan ano?
“Eto na ang singsing mo, Cora,’’ sabi ko sabay abot sa singsing.
Bantulot si Cora kung aabutin o hindi ang singsing.
“Siguro nag-worry ka nang mawala ito ano. Sure ako mawawala na ang worry mo.”
Matagal bago nakasagot si Cora.
“Salamat sa iyo pero hindi ako nag-worry nang mawala ang singsing.”
“Ha? A e…”
“Sa iyo na lang ‘yan. Itago mo,” sabi ni Cora.
“Teka.”
“Basta sa’yo na lang yan.”
(Itutuloy)
- Latest















