^

Punto Mo

Flocerfida (108)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Huli na nang matuklasan ko na nagkamali ako sa pagtitimpla ng syrup na ininom namin. Ang epekto nang malaking pagkakamali, magkakasakit ang sinumang uminom—sakit na magiging dahilan ng unti-unting kamatayan,’’ sabi ni Florenz na halatang sising-sisi sa nangyari.

“Ang epekto sa akin ng ininom kong syrup bigla akong tumanda at nalagas ang buhok. Hindi ako dati ganito. Malaki ang katawan ko dahil lagi akong nag-e-exercise sa Saudi noon. Ngayon, pakiramdam ko, araw-araw ay kumukulubot ang balat ko. Patanda ako nang patanda at nanghihina.”

“Alam ba nina Cerille, Fidel at Daniel ang pagkakamali mo sa ininom na syrup?”

“Hindi.”

“Hindi mo pinagtapat na nagkamali ka sa formulation ng syrup.”

“Hindi ko na sinabi. At gusto ko sana, manatili nang lihim yun, Kikoy. Please huwag mo nang sabihin sa kanila. Tutal naman at pare-pareho kaming mawawala na. Baunin na lang sa hukay.”

“Sige, Florenz.”

“Salamat Kikoy.”

(Itutuloy)

SYRUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with