^

Punto Mo

‘Singsing’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABABAW lang naman ang tubig sa kanal kaya madali kong nadampot ang makinang na bagay na malapit sa pampang.

Nang makuha, nagulat ako dahil singsing iyon—singsing na pambabae. Gold. Halatang bago pa ang singsing na sa tingin ko ay Saudi gold. Nagkaroon na ako ng singsing na Saudi gold na binigay ng kapatid kong OFW. Naisangla ko at hindi na natubos.

Hawak ang singsing, hindi agad ako umalis sa lugar dahil baka dumating ang may-ari. ­Palagay ko nalaglag sa may-ari ang singsing. Baka luwag sa palasingsingan at hindi ­namalayang tumalsik.

Pero 15 minutes na akong naghihintay ay wala pang naghahanap sa singsing.

Ipinasya kong umalis na dahil mali-late ako sa trabaho. Bukas na lamang uli ako maghihintay sa lugar at baka may maghanap sa singsing. Itinago ko ang singsing.

Kinabukasan, muli akong tumambay sa may kanal na kinakitaan ko sa singsing. Pero wala pa ring naghanap sa singsing.

Lumipas pa ang isang linggo at wala talagang nagki-claim sa singsing.

Ininspeksiyon ko ang singsing isang umaga. Nakita ko na may pangalan pala ito sa loob: CORA

Pero kahit may pangalan, mahirap pa ring matunton ang may-ari dahil maraming may pangalang Cora. (Itutuloy) 

RING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with