^

Punto Mo

Ginto talaga ang oras: ikot ng Earth bumibilis (Last part)

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG 2020, naitala ang sunud-sunod na mga pinakamaikling araw mula nang masimulan ang eksaktong pagsukat sa haba ng araw noong dekada 1960. Sa buong taong iyon, may 28 araw na mas maikli kaysa sa normal, isa sa mga panahong may pinakamabilis na pag-ikot ng Earth sa kasaysayan ng modernong timekeeping.

Noong Hulyo 5, 2024, naitala rin ang isa sa mga ­pinakamaikling araw sa talaan — umikli ito ng 1.66 milliseconds.

Noong Jurassic era, panahon ng mga dinosaur, mas maikli pa ang mga araw — tinatayang umaabot lamang sa 23 oras ang bawat ikot ng Earth noon.

Batay sa pananaliksik ng mga astronomer mula sa University of Wisconsin-Madison at Rutgers University, dahan-dahang humahaba ang isang araw ng Earth ng humigit-kumulang 1.7 milliseconds bawat siglo.

Ibig sabihin, maaaring umabot sa 25 oras ang isang buong araw pagdating ng mga susunod na daang milyong taon.

Ang mga ganitong pagbabago ay may epekto sa mga sistema ng komunikasyon, navigation, at data transmission. Ang mga satellite, halimbawa, ay kailangang gumamit ng eksaktong oras upang makapagbigay ng tamang lokasyon.

Kapag may diperensiya sa oras, apektado ang mga GPS signal, ang mga financial transaction na real-time ang takbo, at ang iba pang teknolohiyang umaasa sa millisecond-level na precision.

Sa panahon ngayon na pati ang Earth mismo ay tila nagmamadali, para itong paalala na hindi tayo dapat maging kampante sa pag-aaksaya ng panahon.

Habang umiikli ang ilang araw sa kalendaryo, mas lalong lumilinaw ang katotohanang wala ni isa mang segundo ang dapat sayangin. Patunay lang — ginto talaga ang oras.

• • • • • •

Email: [email protected]

MUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with