Gen. Macapaz, biktima ng fake CIDG agents!
MARAMING nagtaas ng kilay sa biglaang pagkasibak nitong nakaraang linggo kay CIDG director Brig. Gen. Romeo Macapaz. Ang kumakalat na Marites sa Camp Crame ay mismong si Justice Secretary Boying Remulla ang nasa likod nito. Tikom naman ang bibig ni Boss Boying at ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III sa motibo sa pagkasibak kay Macapaz.
Pero inihayag naman ng GMA 7 na kaya na-relieve si Macapaz dahil may mga kalalakihang nagpakilalang taga-CIDG na lumapit sa mga kamag-anak ng mga missing sabungeros at hinikayat silang kasuhan si witness Julie “Dondon” Patidongan bilang mastermind sa kaso.
Teka, teka, magkano…este paano? Kapag kinasuhan ba ng mga kamag-anak si Patidongan maaabsuwelto ang gambling lord na si Charlie “Atong” Ang, ang itinuro ng una na mastermind sa missing sabungeros? Ang korte na ang bahala d’yan. ‘Ika nga paramihan na lang ng pitsa dahil matagal na labanan ‘yan. Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nagpakilala lang na taga-CIDG kasalanan na ni Macapaz? Sa totoo lang, kahit sinong Herodes ay puwedeng magpakilalang taga-CIDG upang bigyang lakas ang kanilang lakad, lalo na’t sensitibo ang kaso ng missing sabungeros. May mga komento pa nga na nagkaabutan ng pitsa at hindi lang milyones kundi bilyones pa. Araguyyy!
Pero kilala ko si Macapaz mula pa noong nasa Station 5 pa siya ng Manila Police District. Hindi naman matakaw sa pitsa ito. Trabaho lang, lalo na noong nasa Intelligence Group pa siya o bago mailipat sa BARMM, di ba Maj. Gen. Gestrimundo Obinque Sir? Maaring nasalisihan si Macapaz. Ang mali lang ng mga kamag-anak ng missing sabungeros, dapat ini-report nila kay Macapaz ang planong pagligwak kay Patidongan para ma-entrap ang mga nagpapakilalang taga-CIDG. Anong sey n’yo mga kosa? Mismooo!
Kung sabagay, dahil wala namang hard evidence laban sa kanya, inilipat lang si Macapaz ng assignment sa PRO 12 sa Zamboanga. Dapat lang! Si Macapaz ay pinalitan bilang CIDG director ni Brig. Gen. Christopher Abrahano. Congrats Gen. Abrahano Sir! Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Dahil sa pagbanggit ni President Bongbong Marcos sa kaso ng missing sabungeros sa kanyang SONA, panay naman pa-media mileage ni Boss Boying. Ginagaya lang ang pautay-utay na sistema ni Patidongan? Ano pa nga ba? Nitong nagdaang mga araw kasi, sinabi ni Boss Boying na may narekober na bungo at may ngipin pa. Tapos may lumutang na witness na makapag-collaborate sa mga tinuran ni Patidongan.
Ayaw namang pangalanan ni Boss Boying ang kanyang second witness, maliban sa sibilyan ito. At aniya, malapit nang maisampa ang kaso laban sa mga suspects, pero hindi niya binanggit si Boss Atong. Araguyyy! Nabitin tuloy ang sambayanang Pinoy dito sa estilo ni Boss Boying. Hehehe! Mga pulitiko talaga!
Si Patidongan naman ay biglang tumahimik. Ang tanong lang, bakit biglang may gustong kasuhan si Patidongan bilang mastermind sa kaso ng missing sabungeros? Alam n’yo na siguro mga kosa kung sino ang nasa likod nito.
Pero bakit sobrang maraming alam si Patidongan sa takbo ng kaso ng missing sabungeros? Anong papel niya? Tsk tsk tsk! Kung sabagay, kadalasan babae at pitsa lang ang ugat ng pag-aaway ng mga magkakaibigan. Dipugaaa! Abangan!
- Latest

















