^

Punto Mo

Para sa madiskarteng buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kapag namimili sa supermarket, may rule sila ng “first in-first out” lalo na sa tinapay, itlog, processed meats, etc. Kaya ang lahat ng lumang stock ay sa unahan/ibabaw nakasalansan at ang bagong stock ay nasa likuran/ilalim. Ngayon, alam mo na kung saan ka kukuha ng stock.

2. Para hindi dalahitin ng ubo sa gabi: Pahiran ng Vicks VapoRub ang paa at suotan ng medyas bago matulog.

3. Pahiran ng vegetable oil ang shell ng itlog bago itago sa refrigerator. Mas hahaba ang freshness nito ng karagdagang four weeks.

4. Hindi lang pala nakalalasing na inumin ang vodka kundi magaling na hair conditioner, bug repellent at pantanggal ng hapdi sa kagat ng jellyfish.

5. Ilagay muna sa brown paper bag ang lettuce bago itago sa refrigerator.

6. Sampung pagkain na magaling tumunaw ng fats sa katawan: cinnamon, hot peppers, grapefruit, pakwan, kamote, itlog, kape, suka, gatas at beans.

7. Bago gamitin ang sponge na paulit-ulit nang nagamit, painitin mo to sa microwave ng two minutes. Napatunayang nakakamatay ito ng 99 percent germs.

8. Kailangan ang tatlong oras na pagtakbo upang mabawasan ng one pound ang iyong timbang. O, kaya, tumakbo ng 27 minutes araw-araw, para mabawasan ng one pound ang iyong timbang per week.

9. Kapag may paparating na bagyo, malaki ang tsansa na magkaroon ng brown out. Bago mangyari ang mga nabanggit, maglagay ng tubig sa maraming plastic bottle at ilagay sa freezer. Kapag nawalan ng kuryente, magiging matagal ang lamig ng inyong refrigerator dahil sa mga nagyelong tubig. Kapag natunaw na ang mga ito, mayroon kayong reserbadong cold water.

10. Ubos na ang Nutella pero marami pa rin nakadikit sa wall ng jar. Lagyan ng hot milk and shake. Kapag magkahalo na, dagdagan ng marsmallows. Instant choco-milk!

SUPERMARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with