‘Kandado’ (Last Part)
HABANG pauwi kami ni Darwin ay nagkukuwentuhan kami ni Darwin at ang hindi malilimutang karanasan namin sa club na nagpapalabas nang malaswa ang aming topic.
“Hindi na muna ako iinom, Darwin. Pahinga muna ako,’’ sabi ko.
“Ako man Virgil. Mahirap pala kapag na-raid ng mga pulis ang club. Kinabahan ako nang todo. Akala ko makukulong tayo.”
“Mas mabuti pa ay sa bahay n’yo na lang tayo uminom at magkuwentuhan.”
“Mabuti pa nga Virgil—sa bahay na lang tayo tomoma. Safe tayo.”
“Ako ang bibili ng inumin, Darwin.”
“Huwag na. May mga Black Label si Papa sa bahay. Matagal nang naka-stock ang mga yun kaya masarap na.”
“Sige. E di pulutan na lang ang bibilhin ko.”
Hanggang may maalala ako.
“Alam mo Darwin, nakatulong ang pagiging kolektor ko ng kandado sa pagkakaligtas natin sa mga kabataang babae. Kung hindi ko napansin ang kandado sa pinto, baka hindi nailigtas ang mga babae. Siguro’y ang pagiging padlock collector ko ang kinasangkapan ng Diyos para ma-rescue ang mga kawawang babae.”
“Bilib na ako sa’yo Virgil. Ipagpatuloy mo ang pagkolekta sa mga kandado. Malaki ang nagawa mo. Congrats.”
“Salamat sa ating dalawa at nakapagligtas tayo. Salamat din sa kandado!”
- Latest




















