^

Punto Mo

Teodoro, sentro ng girian ng opisyales ng DND at AFP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Nag-iwan nang maraming katanungan itong pagkaroon ng Maltese passport ni Defense Secretary Gilberto Teodoro. Maaring maganda naman ang hangarin ni Teodoro na magkaroon ng passport na ito para mapaunlad ang personal na kabuhayan niya subalit mukhang hindi angkop ito sa katayuan niya sa ngayon sa gobyerno.

Kaya kahit kaliwa’t kanan ang pagpaliwanag ni Teodoro, hindi kinakagat ng sambayanan ang kadahilanan niya. Sinabi naman ni DND Asec. Arsenio Andolong na initsa-puwera na ni Teodoro ang kanyang Maltese passport bago ito mag-file ng kanyang certificate of candidacy para sa 2022 elections.

At ang pagkakaroon ni Teodoro ng Maltese passport ay ibinulgar na ng amo niya sa BI at sa Comelec. Eh di wow! Ayon kay Andolong, ang timing ng pagbulgar ng Maltese passport ay alam ni Teodoro kung ano ang motibo.

Ang tinutukoy kaya ni Andolong ay ang restiveness ng mga opisyal ng Army at Navy, na nagtutulak na masibak si Teodoro dahil sa kanyang mismanagement style kung saan ang mga “manok” lang niya ang inuupo sa mga piling puwesto sa AFP? Sanamagan! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi lang naman ang mga military ang nananawagan na mag-resign si Teodoro kundi may iba’t ibang sector din matapos magsulputan sa media ang Maltese passport niya. May ilan pang gustong kasuhan siya. Siyempre, dahil nagkataon naman na isinabay ang isyu sa 9th anniversary ng pagkapanalo ng Pinas kontra China sa landmark legal victory sa The Hague, abayyy nadamay pa ang China. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, si Teodoro ay ilan lang sa mga opisyales ng Pinas na mahigpit na tinututulan ang nine-dash-line ng China, na ang mga opisyales ay magaling mag-double talk. Sa isang radio interview, iginiit ni Teodoro na kahit may Maltese passport pa siya, hindi naman nawala ang kanyang Pilipino citizenship.

Aniya, matapos ibasura ang kanyang Maltese passport, nakuhang muli niya ang kanyang Pilipino citizenship bago pa siya hirangin na DND secretary. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kahit may foreign passport siya, binanggit ni Teodoro ang R.A. 9225 o ang Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003, ang patuloy niyang pagiging Pinoy. Subalit iginiit ng mga kosa ko na na-take advantage ni Teodoro ang Malta’s scheme sa pag-acquire nito ng instant citizenship kapalit ang instant investment, na ayon sa mga kosa ko, ay umabot sa P40 milyon.

Kung sabagay, hindi naman nag-iisa ang Malta na may ganitong programa dahil kahit ang Pinas ay mayroon nito. Subalit sa Pinas, ang ini-offer lang ay ang permanent residency para sa mga retirees na mag-invest sa bansa, ang programa na inaabuso ng mga hindi retirdaong foreigners. Ayon kay Teodoro, ginagamit niya ang Maltese passport sa madalas na pag-ikot n’ya sa 27 bansa sa Europe matapos lisanin ang gobyerno noong 2009. Mismooo!

Sa totoo lang, ang isyu ng Maltese passport ay nagbulgar ng factionalism o inter-service rivalries sa defense at military establishment. May grupo ng military officers , kasama ang one-star ranked, na lumutang at isinisigaw na mag-resign na si Teodoro dahil nagsinungaling ito nang mag-apply siya ng passport renewal noong 2017, dahil sinabi n’yang wala siyang foreign passport o citizenship. Araguyyy!

Anang grupo, nilabag ni Teodoro ang military’s premier academic institution honor code. Idinagdag pa nila na Teodoro committed perjury, isang krimen sa ilalim ng revised penal code. Hinikayat naman ni Teodoro ang kanyang detractors na mag-file ng kaso sa korte. Sana hindi na humaba pa ang di-pagkaunawaang ito. Abangan!

GILBERTO TEODORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with