Laugh trip hanggang sa kamatayan
Totoo ang mga kuwento na may mga taong namatay sa katatawa. Narito ang mga sumusunod:
1. Alex Mitchell (UK, 1975)
Sino siya: Isang Briton na taga-Kings Lynn, England.
Paano siya namatay: Habang nanonood ng isang episode ng British comedy show na The Goodies, tumawa siya nang halos 25 minuto nang tuluy-tuloy hanggang sa atakehin sa puso.
2. Ole Bentzen (Denmark, 1989)
Sino siya: Isang Danish audiologist.
Paano siya namatay: Habang nanonood ng pelikulang A Fish Called Wanda, napuno ng tawa ang kanyang katawan na nagdulot ng mataas na heart rate at kalauna’y heart attack.
3. Damnoen Saen-um (Thailand, 2003)
Sino siya: 52-anyos na Thai ice cream vendor.
Paano siya namatay: Habang natutulog, nagising siyang tumatawa nang malakas, at hindi tumigil sa loob ng dalawang minuto hanggang sa mamatay dahil sa heart failure.
4. Thomas Urquhart (Scotland, 1660)
Sino siya: Isa siyang Scottish aristocrat at translator sa English ng sinulat ni François (Rabelais).
Paano siya namatay: Nagtawa siya nang nagtawa nang mabalitaan niyang hinirang nang hari si Charles II of England. Ayon sa ilang mga ulat, si Urquhart ay sobrang natuwa at na-excite sa balitang ito, na naging literal na dahilan ng kanyang pagkamatay sa labis na pagtawa.
Bakit ito nakakatawa para sa kanya? Si Urquhart ay isang Royalist, ibig sabihin, tapat siya sa monarkiya at masugid na tagasuporta ng royal family. Matapos ang English Civil War at ang pamumuno ni Oliver Cromwell, maraming Royalists ang nawala sa kapangyarihan. Kaya naman nang mabalitaan niyang muling ibinalik sa trono si Charles II, dala ng sobrang saya, hindi niya nakayanan, at ayon sa kuwento, tumawa siya hanggang sa mamatay.
- Latest




















