‘Kandado’ (Part 16)
Mga pulis ang dumating. Ipinaliwanag namin ang nangyari kung bakit kami naroon ni Darwin. Sinabi namin na kami ang nakadiskubre sa sektretong kuwarto na kinakukulungan ng mga kabataang babae.
Ang aming salaysay ay sinuportahan naman ng mga babae na aming nailigtas.
“Sila pong dalawa ang nagligtas sa amin Sir. Kung hindi sa kanila, baka hindi pa kami nakakalaya mula sa pinagkulungan sa amin. Mahirap po kasing matunton ang pinagkulungan sa amin,’’ sabi ng isa sa mga babae. Ang iba pang kasamahan ng mga babae ay nagpatotoo rin sa amin ni Darwin.
“Sige sumama muna kayo sa presinto para makunan ng statement,’’ sabi ng hepe ng raiding team.
Dinala kami sa presinto kasama ang mga babae. Pagkalipas ng isang oras ay pinauwi na rin kami ni Darwin. Napatunayan na ang establishment ay nagpapalabas ng malalaswa at sangkot din sa prostitution.
Nang paalis na kami, hindi matapus-tapos ang pasasalamat sa amin ng mga babaing nailigtas namin.
(Itutuloy)
- Latest















