^

Punto Mo

Flocerfida (87)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“I-inaamin ko, ako ang n-nagbigay ng mabagsik na lason kay Dong at labis akong nagsisisi sa ginawa. Siguro kaya ako nagkaganito ay dahil sa kasalanang ginawa ko. Siningil ako sa masamang ginawa kay Dong. Nararamdaman ko na hindi na ako magtatagal. Baka bukas o sa makalawa, patay na ako. Pero nakahanda na ako. Nakapagsisi na ako sa nagawa. Araw-araw ay nasa simbahan ako ng Paco at humihingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan…”

Tumigil sa pagsasalita si Fidel. Pinahid ang luha sa mata.

Saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“A-ako nagbalikloob na sa Diyos. Kaya inaamin ko ang lahat nang naging partisipasyon sa pagkamatay ni Dong. Mamamatay na rin lang ako e aminin ko na lahat.

“B-basta ang masasabi ko, kaming apat—Florenz, Cerille, Daniel at ako—lahat may partisipasyon. Kaming apat ang salarin sa pagkamatay ni Dong. H-hindi dapat sabihin nina Daniel at Cerille na laban sa kagustuhan nila ang ginawa. G-ginusto nila dahil nagahaman sila sa pera. A-ako inaamin ko, gahaman ako. Nagsisisi ako sa nangyari.’’
Napatungo si Fidel.

(Itutuloy)

DONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with