^

Punto Mo

‘Kandado’ (Part 13)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAHAGYANG madilim sa pinasok naming pinto. Nakita namin ang mahabang pasilyo. Nag-iisa ang ilaw sa pasilyo. Naaaninag namin ang dinaraanan. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

“Nasundan kaya tayo ng mga pulis, Virgil?’’ tanong ni Darwin na bahagyang nanginginig ang boses.

“Palagay ko hindi. Walang nakapansin sa paggapang natin.”

“Sana nga hindi tayo nakita.”

“Natakot ka rin ano, Darwin?”

“Medyo.”

“Tama ang kutob ko na may raid. Bihirang magkamali ang kutob ko.”

“Sige ikaw na ang magaling. Bilisan natin ang paglalakad at baka masundan pa tayo.”

Binilisan namin ang paglalakad.

Hanggang sa mapansin ko ang isang pinto sa kanan sa pasilyong aming nilalakaran. May kandado ang pinto pero hindi naka-lock.

“May kandado ang pinto pero hindi naka-lock,’’ sabi ko.

“Huwag mo nang pansinin ang kandado, Virgil. Baka mahuli tayo ng mga pulis.”

“Nagtataka lang ako, Darwin. Bakit hindi naka-lock. Parang may tao sa loob!”

“Tayo na Virgil! Baka hinahabol tayo ng pulis!”

Paalis na kami nang may sumigaw mula sa loob ng kuwartong nakasara at may kandadong hindi naka-lock.

“Ano yun?” tanong ko. “Boses ng babae?” (Itutuloy)

PADLOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with