‘Kandado’ (Part 10)
“BA’T ang tagal mong dyuminggel, Virgil?’’ tanong ni Darwin nang bumalik ako sa mesa namin. “Naghanap ka naman siguro ng kandado ano?’’
“Hindi. May napansin lang ako kasi akong maliit na pinto sa loob ng CR.”
“Anong pinto?”
“Parang sekretong daanan.”
“Wala ‘yun. Baka storage ng mga kung anu-anong gamit nitong club. Inumin mo na ang beer mo. Nakakadalawa na ako.”
Ininom ko ang aking beer sa isang tunggaan. Namulutan ako ng spicy pusit.
“Magaganda raw ang magsasayaw na kolehiya ngayon,” sabi ni Darwin.
“Narinig ko sa katabi natin. Ambabata raw!”
“Baka bagong recruit? Baka galing province?”
“Hindi. Mga tagarito lang sa Maynila ang mga dancer na ‘yan.”
“Safe tayo rito ha? Walang raid?”
“Nerbiyoso ka talaga.Wala sabing raid dito.”
“Mabuti nang sure. Baka mamaya e madampot tayo.”
“Wala. Inom pa tayo.”
Nag-order pa ng apat na beer si Darwin.
Nang mag-alas dose, nagsimula ang happy hour.
Maraming kolehiyala ang rumampa. Mga wild. Naghubad agad ang mga ito. May mga tumuwad-tuwad na!
Halos walang humihinga sa mga manonoood. (Itutuloy)
- Latest















