^

Punto Mo

Mga benepisyo ng ­pagiging mapagpasalamat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Nagpapalakas ng relasyon sa kapwa: Ang pasasalamat ay nagpapakita ng pagpapahalaga, kaya’t lumalalim ang tiwala at koneksiyon sa ibang tao.

• Nagpapabuti ng kalusugang pangkaisipan: Ang taong marunong magpasalamat ay kadalasang mas masaya at mas positibo ang pananaw sa buhay.

• Nakatutulong sa pag-iwas sa stress at depresyon: Ang pagtuon sa mga biyaya sa halip na sa problema ay nakatutulong upang gumaan ang pakiramdam.

• Nagpapataas ng self-esteem o kumpiyansa sa sarili :Kapag marunong tayong mag­pasalamat sa kung anong meron tayo, mas natututo tayong tanggapin ang ating sarili.

• Nagpapalalim ng pananampalataya o espiritwalidad: Ang pasasalamat ay isang paraan ng pagkilala sa mas mataas na kapangyarihan o sa Diyos.

• Nagpapalago ng kababaang-loob :Ang mapagpasalamat na puso ay hindi madaling lamunin ng kayabangan.

• Nagpapalakas ng katatagan sa gitna ng pagsubok :Kahit may problema, natututo ang isang taong mapagpasalamat na magpakatatag at magpatuloy.

• Nagpapasaya at nagbibigay ng inspirasyon sa iba: Ang taong mapagpasalamat ay nakakahawa ang positive energy at nagiging magandang halimbawa.

• Nagpapabuti ng pisikal na kalusugan :Ayon sa mga pag-aaral, ang taong mapagpasalamat ay mas maayos ang tulog, mas mababa ang presyon ng dugo at mas aktibo.

• Nagbubukas nang maraming oportunidad :Kapag marunong kang magpasalamat, mas naa-appreciate ka ng iba, kaya’t mas malaki ang tsansang makatanggap ulit ng tulong o pagkakataon.

 

 

THANKFUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with