^

Punto Mo

Kilalanin ang tao sa isang sulyap

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kung ang isang tao ay umiiwas ng tingin habang sumasagot, hindi sila kumpiyansa sa sinasabi nila. Maaaring nagsisinungaling sila o natatakot.

2. Kung ang isang tao ay palaging tumitingin sa orasan o sa kanyang telepono habang kayo ay nag-uusap, hindi siya interesado sa pinag-uusapan ninyo o hindi siya interesado mismo sa iyo. Isa ka lang pampalipas-oras, at hindi ka niya prayoridad.

3. Ang mga taong palaging sumisingit habang nagsasalita ka ay hindi talaga nakikinig sa iyo. Hinihintay lang nila ang pagkakataong sila naman ang magsalita.

4. Kapag napasobra ang pagpapaliwanag sa halip na simpleng sagot lamang: Maaaring sinusubukan kang kumbinsihin sa isang bagay na kahit sila mismo ay hindi naniniwala.

5. Ang taong nakakaalala ng maliliit na detalye mula sa mga nakaraang pag-uusap ay maaaring dahil tunay siyang nagmamalasakit sa iyo o pinag-aaralan ka lang niya.

6. Ang mga taong nakakadama ng sobrang pagkalungkot ay matagal maligo dahil nag­hahanap sila ng “init” physically and emotinally.

7. Ang taong laging pinipili ang window seat sa mga sasakyan: bus o eroplano ay mataas ang pagpapahalaga sa kanilang personal space at privacy. Dagdag pa rito, mas nararamdaman niya ang seguridad at kontrol sa kanyang kapaligiran kung malapit siya sa bintana.

TAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with