^

Punto Mo

Flocerfida (73)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAHUHULAAN ko na may ipinagtapat si Daniel sa inyo sa mga nangyari sa Saudi,’’ sabi ni Cerille. “Ang taong mamamatay na ay sinasabi na ang lahat. Gusto niyang kapag namatay ay malinis kahit kaunti ang konsensiya,’’ sabi pa at tumingin kina Kikoy at Makoy.

Hindi naman malaman ng dalawa ang sasabihin. Hindi nila inaasahan na si Cerille na mismo ang magbubukas sa isang ­kontrobersiyal na pangyayari. Wala silang hinagap na ito na ang magkukusa sa nangyaring pagpatay kay Dong.

“May ipinagtapat si Daniel ukol kay Dong ano, Makoy?”

Tumango si Makoy.

“Malapit na raw siyang mamatay, Cerille kaya sinabi niya ang lahat,’’ sabi ni Makoy.

“Tama ang sabi ko, kapag malapit nang mamatay  ang tao, sasabihin na ang lihim. At ako na malapit na ring mamatay ay ganyan din ang gagawin—sasabihin ko na rin ang nangyari sa Saudi—ukol sa pagkamatay ni Dong.”
Napamulagat sina Kikoy at Makoy. Katulad ni Daniel, magtatapat na rin si Cerille.

“Nararamdaman ko, malapit na akong mamatay—nanghihina na ako. Baka sa sunod na buwan, tigok na ako,” sabi ni Cerille.

(Itutuloy)

SAUDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with