‘Saging’ (Part 7)
“BAKIT hindi mo ito itinda, Kuya?’’ sabi ni Imelda sa akin habang kumakain ng banana chips. “Magiging mabenta ito!”
“Oo nga Kuya. Baka dito ka yumaman.”
“’Yan nga ang balak ko. Actually si Nenet ang may ideya niyan. Bakit daw hindi ko subukan na gawing banana chips ang mga rejected na saging. Nabubulok lang daw. Ito nga at ginawa ko—dalawang piling lang ang ginawa ko para trial.”
“Gumawa ka na nang marami Kuya at magdadala ako sa school at ipatitikim ko sa mga co-teacher ko,’’ sabi ni Imelda na high school teacher.
“Sige gagawa uli ako.”
“Aasenso ka sa banana chips, Kuya,’’ sabi ni Anna.
“Sana nga.”
“Basta magluto ka uli Kuya para marami ang makatikim. Kapag masarap ang produkto, hindi na kailangang ialok—customer ang lalapit para bumili,” sabi pa ni Imelda.
“Tama si Imelda, Kuya,” sabi naman ni Anna.
Nagkatotoo ang sinabi ni Imelda dahil nagkasunud-sunod ang naghahanap ng banana chips na aking niluto.
Dahil malakas, nag-isip ako ng mga flavor para sa banana chips—bbq flavor at cheese flavor. Patok!
Hanggang sa nag-hire na ako ng mga tauhan. Hindi ko na kaya ang dami ng order. (Itutuloy)
- Latest
















