Flocerfida (66)
SUBALIT nagbago ang pasya ni Daniel na makipagkita kay Florenz. Binawi ang balak.
“Hindi ko na itutuloy ang pagpunta kina Florenz. Tama kayong dalawa. Hindi ko na kakayanin.”
“Tama ang pasya mo Pinsan,” sabi ni Makoy.
“Para akong nauupos, Pinsan. Baka dun pa ako abutin ng kamatayan,” sabi ni Daniel at hinipo ang tagiliran. “Kayo na lang dalawa ang magpunta kay Florenz.”
“Teka Pinsan, baka paghinalaan kami ni Florenz at madawit kami ni Kikoy.”
“Wala naman kayong sasabihin sa kanya. Parang napadalaw lang kayo. Hindi maghihinala yun dahil ang nasa isip niya perfect crime ang ginawa niya.”
“Paano kung itanong ka sa amin—di ba alam ni Florenz na magpinsan kayo ni Makoy?”
“Hindi niya alam, Kikoy. Walang nakaaalam na magpinsan kami ni Makoy.”
“Huwag na lang kaming pumunta sa kanya, Pinsan. Kinakabahan ako. Mahirap kalaban si Florenz. Baka kami naman ang lasunin ni Kikoy.”
“Hindi naman siguro. Pumunta kayo para may malaman tayo sa kalagayan ni Florenz,” pamimilit ni Daniel.
Hindi makasagot sina Kikoy at Makoy.
Bakit atat si Daniel na may malaman sa kalagayan ni Florenz?
(Itutuloy)
- Latest















