Flocerfida (59)
“PERO paano naisagawa ni Florenz ang plano kay Dong e di ba nagkahiwalay na sila?’’ tanong ni Kikoy kay Daniel.
“Gumawa ng paraan si Florenz—kunwari peace na sila ni Dong. Kinalimutan na kuno ang pakikipaghiwalay ni Dong. Si Dong naman, paniwalang-paniwala. Hindi niya alam, nagkukunwari lang si Florenz at may masama itong balak.”
“Paano sila nagkasundo?”
“Laging pinasusundo ni Florenz si Dong para magmadyong. Ang madyungan ay sa kuwarto ni Florenz at kung minsan, kay Cerille. Ako at si Fidel ang sumusundo kay Dong sa kuwarto nito.”
“Madali namang napapayag si Dong na maglaro ng madyong?”
“Oo—madyungero kasi si Dong. At saka siguro, gusto na rin niyang matahimik at walang kaaway kaya pinagbigyan ang anyaya ni Florenz.”
“Pero ang tungkol sa nawawalang pera, isyu pa rin iyon?”
“Oo. Sabi ni Florenz, malaki ang nawala sa pondo ng Thai Lottery at suspetsa niya—minadyik ni Dong.”
“So mula nun, naglaro na si Dong sa kuwarto ni Florenz.”
“Oo. Nagsimula na ring magtimpla ng kemikal si Florenz.”
“Paano mo nalaman na nagsimula nang magtimpla si Florenz.”
“Sinabi sa akin ni Cerille.”
(Itutuloy)
- Latest
















