^

Punto Mo

BIGAS’ (PART 11)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT kilala mo ang mommy ko, Noel?’’ nagtatakang tanong ni Katrina.

Ikinuwento ni Noel ang nangyari noon na ipinagbigay-alam niya kay Mam Chato ang mga natapong bigas sa harap ng grocery.

“Naku e di nagalit si Mommy? Ayaw na ayaw nun na may natatapong bigas. Masinop siya sa bigas sapagkat ang bilin daw ng lolo ko sa kanya, walang masasayang na kahit isang butil ng bigas. Kaya istrikto si Mommy at kailangang walang maaaksayang bigas.”

“Nalaman ko nga Katrina dahil sinabi sa akin ng mabait n’yong tindera—masinop daw si Mam Chato.”

“Ah si Ate Maria yun. Tama ang sabi niya Noel, talagang masinop si Mommy. Gaya ngayon, nasa probinsiya siya at nagpapaani. Kapag anihan, naroon si Mommy. Gusto niyang makita ang ginagawa ng mga trabahador sa palayan. Kailangang walang maaaksayang palay. Kapag daw hindi binantayan ay maraming natatapon dahil pabaya ang mga trabahador.”

“Hanga ako sa mommy mo, Katrina.”

“Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya, Noel.”

“Sana magkita uli kami ni Mam.”

“Next week baka narito na yun.”

(Itutuloy)

NOEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with