^

Punto Mo

‘BIGAS’ (PART 10)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN ka nakatira, Katrina?” tanong ko nang makalabas kami ng gate ng unibersidad.

“Malapit lang dito, Noel.”

“Walking distance?”

“Oo. Ten minutes walk.”

“Pareho pala tayong naglalakad lang.”

“E saan ka ba nakatira, Noel?”

“Malapit din lang dito sa unibersidad. Halika sabay na tayo. Ihahatid kita sa inyo at saka ako uuwi. Tiyak na magkalapit lang ang inuuwian nating bahay.”

“Sige sabay na tayo.”

Lumiban kami sa kalsada. Kumaliwa kami at dineretso ang kalye.

“Dinideretso ko lang ang kalyeng ito at ­pagdating dun sa ikalimang kalye, yun na ang amin.”

“Dito rin ako sa kalyeng ito nakatira dati pero lumipat na kami sa kabilang kalye. Edi maganda kung dito ka nakatira, lagi tayong magsasabay sa pag-uwi.”

“Baka may magalit kapag kasabay mo ako ha-ha-ha!”

“Wala. Sino namang magagalit?”

“Baka meron ka nang siyota.”

“Wala. Hindi pa ako nagkakasiyota, Katrina.”

“Parehas pala tayo, Noel. Ako wala ring siyota.”

“Sa ganda mong ‘yan, wala kang siyota?”

“Wala nga.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hanggang humantong kami sa grocery na pag-aari ni Mam Chato.

“Diyan ako nakatira, Noel.”

“Sa inyo yan? Anak ka ni Mam Chato?

(Itutuloy)

UNIVERSIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with