‘Bigas’ (part 4)
NANG makita ko ang sinabi ng tindera na si Mam Chato ay nagdalawang-isip ako kung lalapit pa para ipagbigay-alam ang mga natapong bigas sa harap ng tindahan. Parang masungit o istrikta si Mam Chato. Busy siya sa pagkukuwenta.
Ipinasya kong ituloy ang pakay. Nanaig sa akin ang panghihinayang sa natapong bigas na sa tantiya ko ay mga tatlong kilo.
“Good morning po,”’ bati ko.
Napalingon si Mam Chato.
“Hi! Good morning. May kailangan ka?” tanong ni Mam Chato. Mabait naman pala.
“Mam Chato, sasabihin ko lang po sana ang mga natapong bigas sa harap ng tindahan. Hindi po ako nakatiis dahil hinayang na hinayang ako.”
Napamulagat si Mam Chato.
“Hindi ko alam yan.”
“Marami pong natapon—mga tatlong kilo siguro Mam.”
“Talaga? Teka at titingnan ko. Salamat sa paalala.”
Lumabas si Mam Chato sa kinaroroonang cubicle at tinungo ang labas ng tindahan. Sumunod ako sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa nakita.
“Sayang ang bigas!” sabi niya at tinawag ang tindera.
(Itutuloy)
- Latest

















