50 alituntunin ng kagandahang asal (Last part)
26. Iwasang magdadaldal habang nasa sinehan at tumatakbo ang pelikula.
27. Magsuot ng face mask kung nasa publiko at ikaw ay kasalukuyang sinisipon at inuubo.
28. Kapag nasa eroplano, iwasang sakupin ang armrest.
29. Habang nagmamaneho ng sasakyan, mag-signal kung lilipat ka ng ibang lane.
30. Kung may ka-share ka sa workspace, iwasang maging burara at huwag mong pakialaman ang kanyang mga gamit kapag wala siya.
31. Huwag harangan ang daan kapag nakikipagtsismisan.
32. Kumatok bago pumasok sa nakasarang pintuan.
33. Kung isasauli ang hiniram na libro, siguruhing ito ay nasa maayos na kondisyon.
34. Huwag mag-iwan ng basura sa sinakyang kotse, lalo na kung nakisakay ka lang.
35. Kung may allergies at dietary restriction ka, huwag na lang umatend ng party. Isa pang poproblemahin ng host kung ano ang ipakakain sa iyo.
36. Kung kakain sa labas ang magkakabarkada, pag-usapan muna kung iyon ba ay kanya-kanyang bayad sa inorder per person o o-order ng maramihan tapos hahatiin ang magiging sum total ng bill. Kung wala kang pang-ambag, huwag kang sumama.
37. Huwag pag-usapan ang taong hindi present sa umpukan.
38. Iwasan gumamit ng speakerphone kapag nakikipagkuwentuhan sa telepono at nasa pampublikong lugar.
39. Gumamit ng “please” kapag nakikiusap.
40. Panatilihing nasa “silent mode” ang telepono habang nasa meeting.
41. Irespeto ang desisyon ng isang tao kung ito ay tumanggi sa pakiusap.
42. Pasalamatan ang host ng party bago umalis.
43. Kung mo kayang maging mabait sa service staff, at least irespeto sila bilang tao.
44. Iwasang punahin at pagtawanan ang “punto” ng isang taga-probinsiya.
45. Huwag pintasan ang pagkain sa restaurant kung saan ginanap ang party ng host na nag-imbita sa iyo. Kahit hindi siya ang nagluto, yung host ang pumili ng pagkain na ihahain sa mga bisita.
46. Iwasang mag-Sharon kapag nasa handaan. Hindi n’yo alam kung ilan pang bisita ang darating. Paano kung maubos ang handa sa kaka-Sharon n’yo. Nakakain ka na at nabusog, tama na iyon.
47. Iwasang mangutang gamit ang “messenger” sa Facebook. Mga 90 percent ang tsansa na hindi magbabayad ang taong ganito.
48. Kung bisita ka lang, huwag magtangka na magbukas ng refrigerator, maliban lang kung binigyan ka ng permiso ng may-ari ng bahay..
49. Iwasang mag-utos sa maid ng ibang tao lalo pa at bisita ka lang sa bahay.
50. Kung matakaw ka sa alak, mag-ambag ka sa mga inumang sasalihan.
- Latest
















