^

Punto Mo

Natural na solusyon sa tagihawat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY limang importanteng nutrients na puwedeng tumapos sa problema mo sa tagihawat:

Kumain ng mayaman sa vitamin A kagaya ng carrots, camote, liver, spinach.  Inaayos nito ang production ng sebum o natural oil ng ating balat. Dito nakasalalay ang pagkakaroon ng normal, dry at oily skin.

Kumain ng mayaman sa zinc kagaya ng beef, poultry, buto ng kalabasa, lentils, oyster. Ito ay may anti-inflammatory properties at tumutulong upang maging mabilis ang paghilom ng sugat kasama na ang tagihawat.

Kumain ng omega-3 fatty acids kagaya ng salmon, tuna, walnuts, eggs, yogurt. Ito ang tumutulong upang maiwasan ang pamamaga ng acne.

Kumain ng mayaman sa vitamin E kagaya ng almonds, sunflower seed, avocado, spinach. May antioxidant na pumuprotekta upang hindi masira ang balat mo sa mukha pagkatapos tubuan ng tagihawat.

Kumain ng mayaman sa vitamin C kagaya ng citrus fruits, broccoli, strawberries. Tumutulong sa healing process ng acne. Nagiging sagana sa collagen ang balat upang manatili itong maganda at mukhang fresh.

PIMPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with