Ang pagiging mabait
MASAMA ang loob ni Cesar sa pagdating ng 76-anyos na lalaking balikbayan na malayong kamag-anak ng kanyang misis. Ang matanda ay umuwi sa Pilipinas mula US nang malamang dadalhin siya ng mga anak sa nursing home.
Tumakas ang matanda kaya wala itong bitbit kundi tatlong damit at $100 lang. Palihim na bumili ng tiket pauwi dito kaya ni isang pasalubong ay walang naibigay sa pamangking si Lina na misis ni Cesar. Mga malalayong kamag-anak na lang ang maaari niyang puntahan dito dahil lahat ng kanyang anak ay nasa US
Dagdag na palamunin ang tingin ni Cesar sa matandang bisita. Kaagad na nahalata ng matandang tiyuhin ang pagkadisgusto sa kanya ni Cesar kaya ito’y kaagad nagpaalam at doon sa kapatid ni Lina na si Maria nakituloy. Agad tinanggap ng pamilya ni Maria ang matanda.
Mabait at maunawain ang mister at mga anak ni Maria kaya nag-enjoy ang matanda sa piling ng mga ito sa kabila ng kahirapan. Isang araw ay nabigla ang matandang balikbayan nang dumating ang isa niyang anak galing sa US Sinusundo na nito ang ama at sabay pangakong hindi na nila ipapasok sa nursing home ang matatanda.
Pagkaraan ng isang buwan matapos bumalik sa US ang matanda, may dumating na sulat kay Maria. Galing ang sulat sa matandang tiyuhin. Mayroon itong instruction: Mag-open ito ng account sa banko gamit ang ilang dolyar na isiningit nito sa sulat. Pagkatapos ay isulat niya sa matanda ang address ng banko at account number. Agad sumunod si Maria sa instruction.
Pagkatapos ng ilang linggo ay muling sumulat ang matanda. I-check daw ni Maria ang account niya sa banko. Halos himatayin si Maria nang makita niya ang figure na lumabas sa kanyang bank book. Isang kayamanan sa kagaya nilang mahirap.
Samantala, inggit na inggit si Cesar nang mabalitaan ang malaking pera na ibinigay ng matandang ipinagtabuyan niya. Sa kanya sana napunta ang biyayang iyon kung naging mabait siya sa matanda.
- Latest















