^

Punto Mo

Latest 10 commandments para sa mag-asawa

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Unahin mo muna ang pangangailangan ng iyong asawa at mga anak sa lahat ng bagay bago ang iyong ama, ina at mga kapatid dahil sila na ngayon ang iyong kasalukuyang pamilya at kakasamahin habambuhay.

2. Huwag mong abusuhin ang iyong katawan sa alak, drugs, sobrang pagkain, sigarilyo upang makasama mo pa ng matagal ang iyong asawa at mga anak. Huwag mong hayaang maulila sila ng maaga.

3. Huwag mong hayaang agawin ng career ang mahahalagang oras para sa iyong asawa at mga anak.

4. Sikaping maging attractive sa asawa sa tuwina, anuman ang iyong sitwasyon : sa bahay ka lang o nag-oopisina.

5. Kung ikaw lang ang nagtatrabaho, huwag mong itrato ang asawa na parang pulubi na kailangan pang mamalimos sa iyo. I-share mo sa kanya ang lahat ng meron ka at huwag pagtataguan ng pera. O, kung parehong nagtatrabaho, huwag magkanya-kanya sa pera.

6. Mag-I Love You at mag-goodbye kiss araw-araw.

7. Irespeto ang privacy ng asawa mo. May mga bagay na hindi dapat pakialaman kagaya ng mga nilalaman sa cellphone at account sa social media.

8. Iwasang maging masungit kapag matanda na. Lumang asal na iyan ng matatanda. Dapat maging malambing sa asawa hanggang sa huling hininga.

9. Maging kuntento sa anong mayroon kayo. Huwag mangutang. Kung walang hawak na pera huwag gumasta.

10. Kung hindi mo kayang maging mabait, at least, iwasang mag-asal gangster o palengkera. Kumilos sa tuwina nang may dignidad.

COMMANDMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with