^

Punto Mo

Mayang (202)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MABILIS na lumipas ang mga taon. Nadagdagan ng dalawa ang anak nina Jeff at Mayang—dalawang lalaki at isang babae na ang anak nila. Lalong tumibay ang kanilang pagmamahalan.

Umasenso pang lalo ang kanilang buhay dahil lumakas ang benta ng kanilang damitan sa palengke. Magkatulong silang mag-asawa sa pagtitinda.

Ang naiiwan sa kanilang bahay ay si Lolo Nado. Ayaw na nilang utusan ang matanda na magbukas ng tindahan sa umaga dahil masasakitin na. Laging idinadaing ang masakit na tuhod at namamagang paa. Kaya ito na lamang ang laging nasa bahay.

Alaga naman siyang patingnan sa doktor ng mag-asawa. Hindi siya pinababayaan ng mga ito.

Makalipas pa ang ilang taon, namayapa na rin si Lolo Nado. Pero bago ito namatay, hiniling na pagsamahin sila sa iisang nitso ng asawang si Lola Encar.

Sinunod nina Jeff ang kahilingan. Masinop na kinuha ang mga buto ni Lola Encar at itinabi sa bangkay ni Lolo Nado. Magkasama na sila sa isang nitso. Sabi ni Lolo Nado noon, gusto niya magkasama sila kahit saan ni Lola Encar.

Nasabi nina Jeff at Mayang, siguro kung nasaan man si Lolo Nado ay tiyak na maligaya dahil natupad ang kanyang kahilingan na magkasama silang mag-asawa.

“Ang ganda talaga ng love story nina Lolo Nado at Lola Encar ano Jeff?”

“Mas maganda ang love story natin.” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with