^

Punto Mo

Mayang (200)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“OO Mayang, pinagbilin ka sa akin ng itay at inay mo. Kung sila raw ang mauunang mamatay ay huwag daw kitang pababayaan,’’ sabi ni Lolo Nado. “Kaya nga kahit hindi pa kita nakikita dahil nasa Maynila ka raw, nangako ako sa’yong itay. Sabi ng itay mo, masasakitin na siya. Ganundin ang inay mo.

“Nang mamatay ang itay mo, sumunod din kaagad ang inay mo. Kaya ako na ang namahala sa inyong bukid. Sa lumang kubo na rin ako tumira. Sabi sa akin ng itay mo, mas ligtas sa kubo n’yo kaysa sa kubo ko na malapit sa paanan ng bundok.

“Mula nang lumipat ako sa kubo n’yo ay naka-rekober ako sa pagkamatay ni Encar. Naging abala ako sa maraming bagay. Hindi na ako masyadong nag-iisip. Nanauli ang aking sigla at tumaba na ako mula noon.”

“Oo nga Lolo. Nang una kitang makita sa kubo ay masigla ka at matikas pa. Maliksi kang kumilos. Ipinaghanda mo ako nang makakain. Ginataang labuyo ang inihanda mo para sa akin. Ang sarap! Pati ang kanin masarap at malambot,” sabi ni Jeff.

“Natatandaan mo pa ‘yun, Jeff?’’

“Opo.”

“Pero humihingi ako ng paumanhin sa’yo Jeff dahil nagsinungaling ako sa’yo ukol kay Mayang. Noon pa alam ko na kung saan nakatira si Mayang. Pero dahil may bilin sa akin nun si Mayang na huwag kong sasabihin kahit kanino kung saan siya nakatira.”

“Okey lang po ‘yun, Lolo. Ang mahalaga po, maligaya na tayo ngayon. Ang lahat ay nasa ay maayos na.”

(Itutuloy)

NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with