^

Punto Mo

Health facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nagpapalala ng stress at sleep issues ang pag-inom ng kape nang walang laman ang tiyan.

Ang paghinga sa bibig na madalas mangyari kapag natu­tulog ay nakakabawas ng oxygen sa utak na nagiging sanhi ng paghina ng memory. Ang ginagawa ng iba upang maiwasan ang paghinga sa bibig or hindi siya automatic na ngumanga ay nilalagyan ng tape ang bibig bago matulog.

Nakakataas ng blood pressure ang pag-upo ng naka-cross legs.

Mainam na lumabas at magpaaraw tuwing umaga. Ang kakulangan sa sunlight ay nagiging sanhi ng mood swing at depresyon.

Pagsakit ng panga at indigestion ang nagiging resulta ng sobrang pagnguya ng chewing gum.

Ang chapped lips ay senyales na kulang ang katawan mo sa nutrisyon.

Ang hot shower ay nakakababa ng blood pressure.

Huwag pigilan ang paghatsing. Ang pagpigil nito ay magiging sanhi ng pagputok ng ugat sa mata.

Ang pagbabad ng 2-3 pirasong almonds sa tubig ng buong magdamag at pagkain nito kinaumagahan ay nakaka-improve ng brain function, nakakakinis ng kutis at nagdudulot ng antioxidants.

Ang pagnguya ng maliit na piraso ng luya ay nakakatanggal ng sore throat.

Ang pag-inom ng maligamgam na tubig na may turmeric sa umaga bago kumain ay nakaka-improve ng digestion at nakakalinis ng liver.

Amuyin ang hiniwang lemon kapag nakaramdam ng pagsusuka dulot ng paglilihi or motion sickness.

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with