^

Punto Mo

Mayang (198)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“SABI ni Raul, nakasub­sob ako sa tabi ng nitso ni Encar. Wala raw akong malay. Agad daw nila akong iniuwi at pinalitan ng damit. Nag-aalala ang mag-asawa na baka magkasakit ako. Nababad daw ako sa ulan. Baka raw ako lagnatin o trangkasuhin.

“Pero hindi ako nagkasakit kahit pa nababad sa ulan. Hindi dininig ng Diyos ang dasal kong magkasakit na sana ako para mamatay na rin at nang magkasama na kami ni Encar sa kabilang buhay. Wala na rin namang halaga sa akin ang buhay dahil wala na si Encar.

“Siguro ay mahal ako ng Diyos at hindi niya hinayaang magkasakit ako. Siguro ay hinayaan pa akong mabuhay para mapaglingkuran pa si Encar. Kung nagkasakit ako at namatay, wala nang magsasaayos nang libingan ni Encar. Wala nang magpipintura taun-taon sa nitso at walang magtatanim sa paligid ng mga paboritong halaman na namumulaklak.

“At siguro rin, kaya pinahintulot ng Diyos na mabuhay pa ako ay dahil nga nagkakilala pa tayo.

“Kung nawala o namatay ako nun, hindi ko na kayo makikilalang dalawa, Jeff at Mayang. Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakilala ko kayo. Ipinaayos ninyo ang libingan ni Encar—gina­wang musuleo. Kahit abutan ako ng bagyo at init ng araw dito, safe na safe ako.

“Maraming salamat sa inyong dalawa. Kahit mamatay ako, sigurado nang maayos ang libingan ni Encar. Gusto ko kapag namatay, magkatabi ang nitso namin ni Encar.”

Nagkatinginan sina Jeff at Mayang.

“Huwag ka namang magsalita ng ganyan Lolo Nado. Matagal pa ang buhay mo. Matagal pa tayong magsasama,” sabi ni Mayang at niyakap ang matanda.

“Oo nga Lolo. Matagal pa ang ilalagi mo sa mundo. Ang malalaki raw ang taynga ay mahaba ang buhay,” sabi ni Jeff at nagtawa.

“Talaga?”

“Opo, Lolo. Marami akong kakilala na malalaki ang taynga at buhay pa hanggang ngayon—may 100-anyos na.”

“Talaga Jeff?”

“Opo. Totoo po ‘yun!”

“Salamat sa Diyos!” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with