‘Walis’ (Part 16)
NAKATAPOS ako ng Bachelor of Science in Education (BSE) major in math na magna cum laude. Sina Ate Lydia at Ate Marie ang nagsabit sa akin ng medalya. Umiiyak ako habang isinasabit nila ang medalya. Silang dalawa ang naging instrument para makatakas ako sa lupit ng aking sariling tiyahin. Hindi ko malilimutan ang ginawa nina Ate Lydia at Ate Marie.
Nanguna rin ako sa LET examinations at nakapagturo sa isang sikat na unibersidad. Hanggang sa ma-promote at tumaas nang tumaas ang posisyon. Sa kabila ng aking tagumpay, hindi ko kinakalimutan sina Ate Lydia at Ate Marie.
Nagkaroon ako ng boyfriend—si Brent. Engineer siya. Mabait si Brent at kasundung-kasundo rin nina Ate Lydia at Ate Marie.
Nang ikasal kami ni Brent, sina Ate Lydia at Ate Marie ang ninang. Masayang-masaya kami ni Brent sa aming pag-iisang-dibdib. Masayang-masaya rin sina Ate Lyida at Ate Marie na itinuring ko nang mga pangalawang magulang.
Nagkaanak kami ni Brent. Kailangan naming magkaroon ng katulong.
Problema kung paano kami makakakuha ng mapagkakatiwalaang katulong.
Isang umaga na ihahatid ako ni Brent sa school, isang dalagita, mga 12-anyos marahil ang nakita ko habang nakatigil ang aming sasakyan. May mga bakas siya ng walis tingting sa magkabilang braso. Biglang may nagbalik sa alaala ko. (Itutuloy)
- Latest